Nitong Enero 24, 2022 ay nagsimula na ang Global Premiere ng 'The Broken Marriage Vow,' ang Pinoy adaptation ng British series na 'Doctor Foster', na nagkaroon din ng Korean adaptation na 'The World of the Married' na siyang sumikat sa Pilipinas.

Bukod sa kakaibang cinematography at world-class na pag-arte ng cast members, napansin din ng mga netizen na kasama rin dito ang character actress na si 'Malou Crisologo,' ang gaganap na si 'Yaya Maggie,' ang yaya ni Nathalia Lucero na ginagampanan naman ni Rachel Alejandro.

Malou Crisologo (Screengrab mula sa IG)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang karakter niya ay ina ni Lexy Lucero na ginagampanan naman ni Sue Ramirez, na siyang kabit sa relasyon nina Dra. Jill Ilustre (Jodi Sta. Maria) at David Ilustre (Zanjoe Marudo).

Bahagi rin si Malou ng longest-running teleserye na 'FPJ's Ang Probinsyano' bilang si Yolly, ang kasa-kasama ni Lola Flora (Susan Roces) na lola naman ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Malou Crisologo at Susan Roces (Screengrab mula sa IG)

Sa teleseryeng 'La Vida Lena' naman, siya si Dra. Martina Ramirez na kakampi nina Lena (Erich Gonzales) at Ramona (Janice De Belen) para sa kanilang paghihiganti sa pamilya Narciso.

Malou Crisologo (Screengrab mula sa IG)

Kaya naman sa apat na lineup ng teleserye ngayon ng Kapamilya Network, tatlo roon ang kinabibilangan niya.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Nakakaloka si Malou Crisologo. Ang tunay na Primetime Queen. 3/4 Primetime Bida seryes, present!"

"Sino ang tunay na reyna ng Primetime Bida? Si MALOU CRISOLOGO!"

"LizQuen, KathNiel, and SethDrea have nothing on her. Ang totoong mukha ng Primetime Bida ngayong 2022—Miss Malou Crisologo. Sana may crossover mga characters niya sa Dreamscape Teleserye Universe."

"Ang tunay na Queen at A-listers ng mga teleserye ngayon---Ms. Malou Crisologo!"

Ngunit sino nga ba si Malou Crisologo?

Bukod sa pagiging character actress sa mga teleserye, siya rin ay nagsilbing line producer at associate producer sa pelikula at telebisyon, at acting workshop facilitator.

Natapos niya ang kursong AB Communication Arts sa University of Santo Tomas. Naging bahagi siya ng Teatro Tomasino, Artistang Artlets, at Pax Romana.