Sinabi ni Presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes, Enero 25, ang localized peace talks ang magiging pinakamainam na paraan upang matugunan ang suliranin sa insurgency sa bansa.

Sinabi ni Lacson na ang pamamaraang ito na una niyang iminungkahi sa peace process officials ay hinahayaan ang gobyerno ang mga nakakaalam ng sitwasyon sa ground

This is why earlier, I proposed in a Senate hearing to shift to localized peace talks with the CPP/NPA. I told ex-Secretary Dureza and Secretary Bello that talking to Joma (Jose Ma. Sison) was useless. He had either lost control or was pursuing a malevolent agenda. That became the new policy of the government,” ani Lacson sa isang Twitter post nitong Martes, Enero 25.

”While it goes without saying we will exhaust all means to achieve peace, it is best that the peace efforts be localized. This is considering the failures of past administrations that engaged in centralized peace talks,” dagdag niya.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Binigyang-diin ito ni Lacson, Senate Committee on National Defense and Security chairman, sa gitna ng pagkabahala ng ilang sektor hinggil sa sinseridad ng sentralisadong pamumuno ng mga rebelde.

Binalikan niya na “masugid niyang iminungkahi” ang localized peace talks sa pagdinig ng Senate committee na dinaluhan nina dating Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III.

Aniya, nasa mas magandang posisyon ang mga local government units (LGUs) upang matukoy at matugunan ang mga sitwasyon at pangangailangan ng mga rebelde sa iba't ibang lugar. Ang pambansang pamahalaan ay maaaring mag-alok ng malinaw na mga patnubay para sa mga pag-uusap, kasama ang tamang tulong at pangangasiwa, dagdag niya.

Gayundin, muling iginiit ni Lacson na ang usaping pangkapayapaan ay dapat sumabay sa pagpapaunlad ng mga lugar na malaya sa presensiya ng New People’s Army - upang maiwasan ang mga sumukong NPA na bumalik sa hanay ng mga rebelde.

Para magawa ito, sinabi niya na itatama niya ang mga kamalian sa pagpapatupad ng mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), upang ang pondo ay mapupunta sa mga lugar na nangangailangan nito.

Martin Sadongdong