Trending sa social media ang pagbibigay representasyon ng kulturang Pilipino sa Cartoon Network animated series na 'Craig of the Creek.'

Sa isang episode sa season 4 nito na pinamagatang “Sink or Swim Team,” tampok dito ang lola ng character na si Eileen, na kung saan ay nakikipag-usap ito sa wikang Bisaya.

Sa palabas, tinuro ni Eileen kay Craig ang "pagmamano."

“I don’t always understand exactly what she’s saying, but I do know whenever we say ‘Hi’ to her, we gotta do the bless,” linya ni Eileen kay Craig bago ito ipakilala sa kanyang lola.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Pagkatapos magmano ni Craig ay kinatsyawan si Eileen ng kanyang lola.

“Ah, ka guapo, imu ning boyfriend? (Napaka-gwapo naman (ni Craig), iyan ba ang iyong kasintahan?)," linya ng lola ni Eileen.

Bukod sa kaugaliang pagmamano, bida rin sa series ang pagkaing tatak Pinoy tulad ng tortang talong at sinigang na isda.

Ang Craig of the Creek ay isang American animated television series ng Cartoon Network na nagsimulang ipalabas noong Pebrero 19, 2018.

At sa likod ng "universality" ng cartoon ay isang Filipino-American.

Ang supervising director ng cartoon ay si Tiffany Ford, naging nominado para sa Annie Award for Outstanding Achievement for Writing sa kategoryang Animated Television Broadcast Production ng Craig of the Creek noong 2019.

Ibinahagi nito na ang kanyang lolo at lolang Pilipino mula sa Cebu ang nagturo sa kanya ng kahalagahan ng "visual humor" at "universality" sa sining na kanyang ginagawa.