Muling nagbigay ng update sa kaniyang kondisyon si Queen of All Media Kris Aquino sa Instagram; ngayon naman, pinabulaanan niya ang mga kumakalat na fake news na sumakabilang-buhay na raw siya dahil sa kaniyang sakit.
Ibinahagi ni Krissy ang litrato ng novena mass na ginawa ng kanilang pamilya para sa yumaong pinsan na si Marla noong Biyernes, Enero 21.
"Bimb wanted to send the pic to his Ninay/Kuya Josh’s pretty ninang because he felt so bad that we are unable to be with them during their time of grief… we are strictly adhering to the 14 day CDC recommended quarantine and our final & definitive PCR won’t be until January 26. Kuya because he had moved to 1 of our leased condo units was cleared earlier, on Jan 22," ani Kris.
"@boss1020 is my closest cousin & apart from my Ate, the one who knows all my life’s pain & secrets… the one aware of what my plans are & what my real physical condition is, because she’ll be the one I know who shall be looking after my 2 sons should anything happen to me."
Pinabulaanan ni Kris ang mga kumakalat na pekeng balitang patay na umano siya. Huwag daw masabik ang mga bashers, haters, at trolls dahil mahina man siya ngayon, buhay na buhay naman siya. Ilalaban daw niyang mabuhay dahil kailangan pa siya ng mga anak niyang sina Kuya Josh at Bimby.
"It’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I'm in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE."
"Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away."
"Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh & Bimb still need me."
Muling nagpasalamat si Tetay sa mga 'totoong' kaibigan na patuloy na nagpapadala ng mga pagkain, prutas, bulaklak, lobo, at mga dasal sa kaniya, upang gumaan naman ang kaniyang pakiramdam.
"To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ko- because they want to make make me feel their love & affection- you have my lifelong loyalty & gratitude."
"I have a lot more to say, perfect timing because birthday ng mom ko tomorrow January 25…my nurse has been signaling me, time for my meds, time for my shots (bad urticaria flare now) and lights out soon."
"Good night but definitely it’s not yet goodbye."
Agad namang nagkomento rito sina Mariel Rodriguez-Padilla, Melai Cantiveros, at Karen Davila.