Nasa listahan na ng unrestricted free agent ang Barangay Ginebra forward na si Aljon Mariano.
Ito ang kinumpirma ng agent nito na si Marvin Espiritu, gayunman, tiniyak nito na walang dapat ipangamba ang mga fans sa sitwasyon ng manlalaro.
Dahil inilagay ito ng Gin Kings sa unrestricted free agent with right to salary (UFAWR2S), wala na itong puwang sa 15 na miyembro ng lineup ng koponan, gayundin sa injured/reserve list.
Gayunman, may dalang panganib na epekto ang nasabing hakbang ng Gin Kings dahil binibigyan nito si Mariano ng kalayaang makapaghanap ng anumang koponan kung nais nito.
"He's happy where he is right now," paniniyak naman ni Espiritu na ang tinutukoy ay ang 29-anyos na manlalaro na may malaking ambag sa paghablot ng Ginebra sa 2020 PBA bubble championship.
Hindi pa nakakapaglaroni Mariano sa kasalukuyang season dahil sumasailalim ito sa operasyon matapos tanggalan ng buto sa kanyang paa.
Naunsiyami rin ang pagbabalik nito sa aksyon dahil sa iniindang sakit sa tuhod ay bukung-bukong.