Sinupalpal ng Youtube star na si Donnalyn Bartolome ang isang basher matapos sabihing hindi siya imbitado at sa halip ay nagbayad siya para magkaroon ng access sa isang world premiere ng sikat na pelikula kamakailan sa Los Angeles sa Amerika.

Noong Enero 18, ibinahagi ng social media darling sa isang Youtube vlog ang kanyang eksklusibong pagdalo sa world premiere ng “Spider-Man: No Way Home”. Kasama niya rin sa naturang event ang dalawa pang sikat na online personalities sa bansa na sina Alodia Gosiengfiao at Will Dasovich.

Di napigilang bumuwelta ni Donnalyn sa isang basher matapos akusahan siya nitong hindi talaga imbitado sa premiere at sa halip ay siya pa ang nagbayad para magkaroon ng access sa event.

“Invited? I wonder how much did u pay to be invited. Fool,” komento ng isang Youtube account sa vlog ni Donnalyn na may kalakip pang laughing emojis.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

“Let me correct the question for you. You can wonder how much I got paid to fly to L.A to watch Spiderman and meet some of the cast,” pagsusupalpal ni Donnalyn.

“All expenses paid on top of my tf [talent fee] to promote Spiderman on an online streaming platform. <3 Fool..ish heart, hear me calling,” dagdag ng Youtube star.

Screengrab mula sa Facebook post ni Donnalyn Bartolome

Sa vlog, ibinahagi rin ng online personality ang naganap na after party kung saan ilang kilalang Hollywood stars ang kanyang na-meet.

Sa isang Facebook post, binanatan ni Donnalyn ang mga taong patuloy na dini-discredit ang pagsisikap ng ilang tao.

“People only see the fruit of labor and not the sacrifices before every single achievement and most times they discredit you and refuse to believe your worth,” ani Donnalyn.

“Naghirap din ako, hindi ko lang kinwento,” dagdag pa niya.

Si Donnalyn ay isa sa mga kauna-unahang personalidad na umusbong sa Youtube Philippines. Sa katunayan, taong 2008 pa nabuo ang channel nito at humakot na ng nasa 8.61 million subscribers, sa pag-uulat.