Nagpatulong sa publiko si GMA Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na i-report ang kumakalat na pekeng Linkedin account na nakapangalan sa kaniya.

Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram story ang screengrab ng pekeng account, gayundin ang kaniyang babala at panawagan.

Screengrab mula sa IG/Dingdong Dantes

SB19 Josh Cullen, hiniritan ng mana si Amy Perez

Screengrab mula sa IG/Dingdong Dantes

"It has come to my attention that a fake Jose Sixto Dantes III @linkedin account with my photo, name and credentials, has been actively responding to messages and scheduling online and on-site meetings with individuals on my behalf," aniya.

"Please be informed that the profile Jose Sixto Dantes III with over 400 connections on @linkedin is not me nor is it being handled by anyone I know."

"I am asking for your help to report the said account and to redirect your concerns to [email protected] and or/[email protected], if there are any."

"Thank you and stay safe!"

Ang Linkedin ay isang American business and employment-oriented online service na nag-ooperate sa websites at mobile apps, na ginagamit para sa professional networking at career development. Pinapayagan nito ang mga job seekers na mag-post ng kanilang curriculum vitae, at ang mga employer naman ay mga bakanteng posts sa kanilang kompanya o negosyo.