Umaabot na lamang sa mahigit 247,000ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa ngayon.

Ito’y matapos na makapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Enero 25, 2022, ng 17,677 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at mahigit sa 33,000 pasyente naman na gumaling na mula sa karamdaman.

Batay sa case bulletin #682 na inisyu ng DOH, nabatid na ang Pilipinas ay mayroon nang 3,459,646 total COVID-19 cases sa ngayon.

Sa naturang bilang, 7.2% o 247,451 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sa mga aktibong kaso naman, 235,181 ang mild cases; 7,464 ang asymptomatic; 2,996 ang moderate cases; 1,502 ang severe cases; at 308 ang critical cases.

Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng 33,144 bagong gumaling sa sakit.

Sa ngayon, umaabot na sa 3,158,597 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 91.3% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 79 na namatay sa karamdaman, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 53,598 total COVID-19 deaths o 1.55% ng total cases.

Mary Ann Santiago