Sinabi ni Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na umaasa pa rin siya sa endorsement mula kay Pangulong Duterte bilang kanyang bet para sa darating na presidential elections.

Sa kanyang panayam sa Totoo Lang ng One PH nitong Lunes ng gabi, Enero 24, sinabi ni Marcos Jr. na nais niyang makakuha ng endorsement mula sa pangulo, katulad ng mga ninanais ng ibang kandidato.

Tinanong siya kung ano ang mga "chances" na makakuha ng endorsement mula kay Duterte, ayon sa presidential aspirant, “You’re asking the wrong person. Ask President Duterte.”

“How would I know? It’s his decision to make,” dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inihayag din ni Marcos Jr. na nakipag-usap siya sa mga tauhan ni Pangulong Duterte tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng politika sa bansa. 

Matatandaan na noong Nobyembre 2021, tinawag ni Duterte si Marcos Jr. na "mahinang lider."