Plano ng Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng on-site vaccination center sa apat ng istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, kabilang sa mga naturang MRT-3 stations ay ang Cubao, Shaw Boulevard, Boni, at Ayala.

Nilinaw naman ni Tugade na kailangan pa muna itong aprubahan ng Department of Health (DOH).

“The vaccination facilities that we will put up ...will be in accordance with the details, policies, and requirements of the DOH,” ani Tugade, sa Talk to the People ni Pang. Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod naman umano sa mga istasyon ng MRT-3, sinabi ni Tugade na plano rin ng DOTr na maglagay ng mga on-site vaccination sites sa mga paliparan at mga daungan.

“Mayroon din sa air, terminal 4, nag-set aside kami ng lugar doon na kung kinakailangang maging vaccination facility sa paliparan,” anang kalihim. “Mayroon din sa north harbor na tinatayo namin.”

Matatandaang pinaiigting ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga eligible na mamamayan upang mapigilan ang pagkalat pa ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.

Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na mahigit sa 57 Pinoy na ang fully vaccinated laban sa COVID-19, na 73% ng eligible population.

Mary Ann Santiago