Inalerto ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng Visayas at Mindanao sa posibleng maranasang flash flood at landslide dahil sa pag-ulan dulot ng namataang low pressure area (LPA).

Sinabi ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 445 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte at ito ay inaasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng dalawang rehiyon.

"Even if it has a slim chance of developing into a tropical cyclone, we expect that the LPA would cross the Visayas and Mindanao area, and would cause rains," pahayag ni weather forecaster Grace Castañeda ng PAGASA.

Mararanasan aniya ang malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region ngayong Lunes, Enero 24.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Ang Metro Manila aniya ay makararanas naman ng localized thunderstorm, gayundin sa iba pang bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras.

Paglilinaw pa ni Castañeda, maliit ang posibilidad na mabuo bilang bagyo ang nasabing LPA.