Muling inilunsad ng University of the Philippines (UP) nitong Lunes, Ene. 24, ang Tsek.ph,  isang kauna-unahang fact-checking collaboration sa bansa para sa halalan sa Mayo 9.

Ipinakilala ng UP noong 2019, ang Tsek.ph ay isang proyekto sa ilalim ng Office of the Vice President for Public Affairs ng unibersidad at pinangunahan ng Department of Journalism sa ilalim ng College of Mass Communication. Ito ay pinasimulan bilang isang commitment sa serbisyo publiko upang labanan ang disinformation.

Sa unang paglulunsad nito, pinag-isa ng Tsek.ph ang tatlong institusyong pang-akademiko at 11 media partners, sa taong ito, pinalawak nito ang pagiging miyembro nito sa akademiko at media at kasama na ngayon ang mga fact-checker mula sa civil society at multisectoral na organisasyon.

Ang Asian Center for Journalism sa Ateneo de Manila University, Colegio de San Juan de Letran, Trinity University of Asia Communication Department, UP Los Baños, UP Department of Journalism's Fact Check Patrol and FactRackers, at ang Unibersidad ng Santo Tomas ay kabilang sa mga katuwang nito .

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, nakipagtulungan din ito sa mga civil society groups na Akedemiya sa Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan (ABKD) at Fact Check Philippines.

Ang Tsek.ph ay suportado ng UP System, Google News Initiative, UP Journalism Department, at UP College of Mass Communication Foundation.

Gabriela Baron