Nagsalita na si DZRH Station Manager Cesar Chavez tungkol sa pagtanggi ni Vice President Leni Robredo sa "Bakit Ikaw" presidential job interview ng DZRH at Manila Times. Kinumpirma rin niya na haharap si Robredo sa naturang interview sa Pebrero 2.

Haharap si Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa "Bakit Ikaw" presidential job interview ng DZRH at Manila Times sa Pebrero 2, 2022 ganap alas-4 ng hapon hanggang 6:30 ng gabi, ayon sa tweet ni DZRH Station Manager Cesar Chavez nitong Lunes, Enero 24.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/sarchavez/status/1485429484744749056

Nauna rito, sinagot niya ang mga umano'y kumakalat na kwento sa pagtanggi ni Robredo sa naturang interview.

Aniya, nauna nang nag-decline ang kampo ni Robredo bago pa pinangalanan umano ng Manila times si Antonio Contreras bilang kanilang representative.

https://twitter.com/sarchavez/status/1485332386950774784

Binanggit din niya na noong Enero 4 hanggang 14 ang orihinal na iskedyul ng "Bakit Ikaw" ngunit hindi ito natuloy dahil nasa 27 na staff ng DZRH ang nagpositibo sa COVID-19. Tanging sina Senador Ping Lacson at dating Senador Bongbong Marcos pa lamang ang nagbigay umano ng kumpirmasyon noon.

https://twitter.com/sarchavez/status/1485332388544598017

Nagpasalamat si Chavez kay Robredo dahil sa kahandaan umano nito sa pagharap sa "Bakit Ikaw" sa susunod na linggo. Hinihimok din niya si Manila Mayor Isko Moreno na dumalo sa interview dahil wala pa itong kumpirmasyon.

https://twitter.com/sarchavez/status/1485332390222319617

https://twitter.com/sarchavez/status/1485332391900106761

Samantala, ni-retweet ni lawyer Barry Gutierrez, spokesman ng OVP, ang naturang tweet ni Chavez.

"O yan, daling kausap ni VP Leni diba? Walang pabebe, handa agad humarap. Bekenemen yung isang naduwag diyan ma-convince na hindi na rin magtago sa mga parating na debate... #LeniMatapang," aniya na tila may pinatututsadahan.

https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1485434337533530112

Matatandaan na nitong nakaraang araw, naging trending topic din sa Twitter ang #MarcosDuwag kasunod ng ulat na hindi pinaunlakan ni dating senador at Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon ng GMA Network para sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” na umere noong Sabado, Enero 22.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/21/marcosduwag-trending-sa-twitter-matapos-di-paunlakan-ni-bbm-ang-isang-presidential-interview/

Kasunod nito, naging trending topic din ang #LeniDuwag dahil sa naunang ulat na tumanggi siPresidential aspirantat Vice President Leni Robredo sa "Bakit Ikaw" ng DZRH at Manila Times.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/23/leniduwag-trending-sa-twitter-robredo-tinanggihan-ang-live-interview-ng-dzrh/

As of this writing, trending ang #LeniMatapang matapos linawinni Robredo ang umanong isyu tungkol sa kanyang pagtanggi. Mayroon na itong 25.9K tweets.

screengrab mula sa Twitter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/24/robredo-nilinaw-ang-pagtanggi-sa-panayam-ng-dzrh-handa-naman-ako-lagi-humarap/