Ibinahagi ng aktres na si Rita Avila ang naobserbahan niyang ginagawa ng mga tao sa face shield na requirement umano sa pagpasok sa 'PhilHealth.'

Nagtaka siya na required pa rin ang pagsusuot ng face shield sa loob ng vicinity nito.

"Sinamahan ko ang anak ko sa PhilHealth. Required pa pala ang face shield doon so kung wala kang dala, bibili ka," pahayag ni Rita sa kaniyang Facebook post nitong Enero 24.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa FB/Rita Avila

May be an image of 8 people, indoor and text that says 'NO FACE MASK NO FACE SHIELD NO ENTRY PhilHealth PhilHealth ト MONDAY MONDAY MONDAY'
Larawan mula sa FB/Rita Avila

Ang ikinalulungkot daw niya, napansin niya na ginagawa lang headband o itinataas at inilalagay sa ulo ang face shield, kaya nababalewala rin umano ang dahilan kung bakit kailangang magsuot nito.

"Tapos may mga tao doon na ginawa lang headband yung face shield. So balewala rin. Sabi ng anak ko, para akong lola na istriktang face shield police."

Isang netizen naman ang nagkomento sa kaniyang post.

"I dont understand why in the Philippines, requires faceshield ang taas din naman ng cases while here in the UAE facemask lang mandatory pero ang baba ng case."

Sumagot naman dito si Rita, "Not in all areas. Pero you are right, di naman efficient. Hayyy."

May isa pang netizen na nagkomento, "Para-paraan… money… money…"

"Parang ganun na nga," tugon naman ni Rita.

Marami pa sa mga netizen ang nagkomento at nagbigay ng reaksyon tungkol dito.

"Hindi, diyan po Ma'am Ritz sa lugar n'yo ang face shield ginagawang headband, dito sa lugar namin, papasok mo sa mall, halos ganun ang ginagawa ng mga cashier at customer, pero sa guard sisitahin ka, pero sa loob, para silang bulag."

"Sobrang hirap kasi huminga kapag naka-face shield Ms. Rita Avila pero kailangan for safety."

"Kailangan kasi face shield para maubos 'yong binili sa Pharmally… sayang din ang mahal pa naman."

Samantala, ibinahagi rin niya ang sweet moment nila ng kaniyang anak na si Kate na siyang sinamahan niya sa PhilHealth.

"SA MGA SINWERTENG MABAIT ANG NANAY (at TATAY), LAGI KAYO GUMAWA NG GOOD MEMORIES TO KEEP HA, MGA ANAK."

"AT SA MGA SINWERTENG MABAIT ANG ANAK (o MGA ANAK), GANUN DIN, MAKE GOOD MEMORIES WITH THEM HA, MGA NANAY AT TATAY."