Hinimok ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Enero 24, ang lahat ng mga magulang na iwasang isama ang kanilang hindi bakunadong menor de edad na mga bata sa mga pampublikong lugar sa gitna ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang apela si PNP chief Gen. Dionardo Carlos kasunod ng ulat ng ilang pulis na isang suliranin ang mga batang kasama ng kanilang mga magulang habang nasa pampublikong lugar at nakikisalamuha sa maraming tao.

Ipinahiwatig ni Carlos na nasa kanilang mga kamay sa pagpapatupad ng patakarang higpitan ang mga hindi nabakunahang menor de edad dahil pinapayagan silang makalabas ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa ilalim ng COVID Alert Levels 2 at 3.

“It has been a challenge among our police personnel who are conducting regular monitoring of public places. We see children along with their parents or guardians, blending with people in crowded places,” ani Carlos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We respect the decision of parents to bring their children outside their homes when attending to essential activities, but adhering to the minimum public health standard should be paramount for the safety of children,” dagdag ng hepe ng pulisya.

Gayunman, sinabi ni Carlos na iginagalang nila ang desisyon ng Local Government Units na pigilan ang mga menor de edad na pumasok sa mga establisyimento.

Maaaring nagpapatuloy ang pediatric inoculation ngunit ang malaking bilang ng mga menor de edad ay naghihintay pa rin ng kanilang  kanilang jab kaya’t pinapayuhan pa rin ang lahat na ibayong mag-ingat.

Aaron Recuenco