Nagkasundo na ang mga miyembro ng Philippine Basketball Association (PBA) board na ituloy ang nakabinbing 2021 Governors' Cup sa unang linggo ng Pebrero.
Gayunman, ipinaliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial sa kanilang pagpupulong nitong Lunes, Enero 24, hinihintay pa nila ang go-signal ng mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa kanilang liga.
Ikinatwiran ng PBA, bumabagal na ang mga kaso ng hawaan ng COVID-19 kaya minabuti na lamang nilang ituloy ang mga larong dati nang itinakda.
Hindi pa isinasapubliko ng PBA ang mga lugar kung saan idaraos ang mga laro.
Matatandang ipinahinto ang mga laro nang tumaas na naman ang mga kaso ng hawaan sa Metro Manila noong Disyembre ilang araw matapos payagan na ang mga fans na manood sa Smart-Araneta Coliseum.