Opisyal nang namaalam sa kanilang fans at followers ang “ParoDivas," isang grupo ng magkakaibigang miyembro ng LGBTQ community na kilala sa kanilang nakakaaliw na beauty pageant parodies sa social media.

Sa isang madamdaming pahayag nitong Linggo, Enero 23, opisyal nang namaalam ang grupo sa kanilang masugid na followers matapos ang apat na taong paggawa ng contents.

“It is with a grateful heart that we say Goodbye to you. Divas, we can't thank you enough for all the love we have received in 4 years of creating wonderful contents,” saad ng grupo.

“There have been some glorious highs and crushing lows, but throughout you have given us massive support and we will never forget that. You have helped us to fulfill our dreams over and over again and given us memories we wouldn't swap for anything,” dagdag ng ParoDiva.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Screengrab mula sa Facebook post ng ParoDivas

Hindi naman malinaw ang dahilan ng kanilang pag-exit sa rampahan.

Noong Enero 6, inalala ng grupo ang yumao nilang miyembro na si Raymund Christian Lopez, ang tumayong Miss Colombia sa kanilang mga naunang parody.

“Remembering and honoring you on this day, two years after this world lost a precious soul.

"We miss you ParoDiva-COLOMBIA,” saad ng grupo kalakip ang ilang larawan.

Screengrab mula sa Facebook post ng ParoDivas

Screengrab mula sa Facebook post ng ParoDivas

Kamakailan lang ay naabot ng grupo ang 200,000 subscribers mark sa Youtube.

Miss Universe Parody (Filipino) Version 2.0 -- ParoDivas

Kabilang sa mga patok nilang content online ang naging viral na Miss Universe 2018 parody na makikita sa kanilang social media pages.