Simula Enero 31, gagamit na lamang ng isang email address ang Parañaque City Business Permit and Licensing Office (BPLO) para sa mas maayos na seguridad ng mga business clients ng lungsod.
Ayon kay Atty. Lanie Soriano-Malaya, head of BPLO, gagamitin nila ang [email protected] upang maiwasan ang phishing ng accounts, lalo na sa mga negosyong nagsasagawa ng online transactions.
Sinabi rin ni Malaya na hindi na available ang kanilang mga email address na [email protected] at [email protected].
Pinayuhan din niya ang lahat ng business establishments sa lungsod na gumagamit ng online transactions incoming at outgoing communications ay dapat i-redirect sa bagong email address.
Samantala, binisita ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica and Presidential Anti-Commission Chairman Greco Belgica ang Parañaque City Hall nitong Enero 24 upang makita ang proseso ng transaksyon sa mga opisina ng BPLO at City Treasurer's Office.
Kasama nila si Mayor Edwin Olivarez nang bumisita sa mga opisina, kung saan nakita nila ang maayos na pagproseso para sa renewal at pagbabayad ng business permit.
Jean Fernando