Itinanggi na ng Land Bank of the Philippines (LandBank) nitong Lunes, Enero 24, na na-hack ang kanilang sistema at nilinaw na ang sinasabing unauthorized transactions ng dalawang guro ay dulot umano ng phishing scheme.
“According to the initial investigation by LandBank, the devices of the teachers were hacked via phishing which compromised their personal information.The bank has already reached out to the affected customers and is working on the resolution of these isolated cases at the soonest possible time,” ayon sa nasabing bangko.
Naglabas ng reaksyon ang LandBank bilang tugon sa pahayag ng grupong Teachers' Dignity Coalition na nagsasabing nakatanggap sila ng mga ulat na nawalan ang mga guro ng hanggang₱121,000 bawat isa mula sa kanilang savings account sa naturang bangko. Ang insidente ay isinuplongna sa LandBank.
“LandBank reminds its customers to refrain from opening suspicious emails, links and attachments, and sharing your account and personal information. Official LandBank representatives will never ask for the crucial financial information of customers,” pahayag ng bangko.
Ang phishing scheme aykaraniwang ginagawa sa pamamagitan ng email, mga ad, o ng mga site na kahawig ng mga ginagamit ng kanilang bibiktimahin na hinihingan ng mahahalaga at personal na impormasyon tungkol sa kanilang bank account, sabi pa ng naturang bangko na pag-aari ng gobyerno.