Hinimok ng isang public health expert nitong Lunes, Enero 24, ang pambansang pamahalaan na huwag munang paluwagin ang coronavirus disease (COVID-19) protocols sa bansa dahil nananatili ang banta ng COVID-19 surge.
Sinabi ng health reform advocate at dating National Task Force (NTF) against COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon na hindi pa ito ang tamang panahon para i-relax ang COVID-19 protocols sa bansa.
“I think it’s not timely at this point to loosen up the quarantine guidelines or protocol because right now we are definitely in a surge and we are not yet out of the woods based on the data that we have recently,” ani Leachon sa isang panayam sa ANC.
Idinagdag niya na ang bansa ay nagkaroon ng mahigit 29,000 bagong kaso na may COVID-19 positivity rate na humigit-kumulang 41.8 porsiyento noong Enero 23.
“The testings are not yet adequate and I think the cases that we have right now are underreported, given the fact that maybe the rapid antigen tests were not actually included in the data of the Department of Health (DOH),” sabi ng eksperto.
Ang pagluwag sa mga alituntunin at protocol sa gitna ng patuloy na pag-akyat ay maaaring isang "counterituitive" na hakbang ayon sa public health expert. Sinabi rin niya na maaaring umayos ang kalagayan ng Metro Manila ngunit ang mga katabing rehiyon tulad ng CALABARZON at Central Luzon ay nakikitaan pa rin ng pagtaas ng mga impeksyon.
“There’s no sign right now of a downward trajectory in order to loosen up our guidelines,” dagdag nito.
Samantala, sinabi ni NTF against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa noong Enero 22, na may posibilidad na ibaba ang status ng COVID-19 Alert Level ng Metro Manila sa Pebrero kung patuloy na bumaba ang mga impeksyon.
Charlie Mae F. Abarca