Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 24, 2022, na nakapagtala sila ng 24,938 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa case bulletin #681 na inisyu ng DOH, nabatid na ang Pilipinas ay mayroon nang kabuuang 3,442,056 COVID-19 cases sa ngayon.
Sa naturang bilang, 7.6% pa o 262,997 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso naman, 250,235 ang mild cases; 7,944 ang asymptomatic; 3,010 ang moderate cases; 1,499 ang severe cases; at 309 ang critical cases.
Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng 35,461 bagong gumaling sa sakit.
Sa ngayon, umaabot na sa 3,125,540 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.8% ng total cases.
Mayroon pa rin namang 47 na namatay sa karamdaman, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 53,519 total COVID-19 deaths o 1.55% ng total cases.
Mary Ann Santiago