Para sa showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis, hindi na raw dapat ikinahihiya ngayon kung natamaan ng COVID-19 lalo't alam na raw ng lahat kung paano ito gagamutin at iiwasan upang hindi na makahawa at nang matapos na ang pandemya.

Sinasang-ayunan umano ni Lolit ang pahayag ni Dingdong Dantes na walang dapat ikahiya kung sakali mang madapuan ng COVID-19. Tinamaan na rin kasi si Dingdong at ang kaniyang pamilya, ayon sa latest balita tungkol sa GMA Primetime King.

"Tama naman si Dingdong Dantes, Salve. Hindi dapat ikahiya o ikatakot kung nagkaroon ka ng covid. Walang masama kung tinamaan ka nito. Wala kang kasalanan, kaya bakit mo ililihim? Sakit iyan na parte ng pandemic, kaya lahat puwede magkaroon, dapat ngang malaman nila na talagang dapat todo ingat dahil lahat puwede kapitan nito," ayon sa caption ni Lolit sa kaniyang Instagram post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dingdong Dantes (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

"Hindi dapat itinatago o ikinahihiya. Gaya nga ng nangyari kay Dingdong Dantes na hindi alam kung saan nahawa. Kung lahat open na tanggapin meron sila covid, sana maiiwasan at hindi sila makapanghahawa. Ngayon na alam na ng lahat ang gamot, at paraan para gumaling ang may covid wala ng dapat ikatakot."

Sa panghuling pahayag, tinawag ni Lolit na 'duwag' at 'gago' ang mga taong itinatago na may COVID-19 sila.

"Duwag at gago na lang ang itinatago ang pagkakaroon ng covid. Dapat talagang mag-ingat ang lahat para matapos na ito."

"Alis na covid, overstaying ka na."