Magsisilbi muna bilang acting chairman ng Commission on Elections (Comelec) si Commissioner Socorro Inting simula Pebrero 3.

Pagdidiin ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, pansamantala muna ito habang hinihintay ang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagong hepe ng ahensya.

“Commissioner Socorro Inting, most senior Comm on Feb 3, will be Acting Chair @Comelec while PRRD has not appointed a Chair,” sabi nito sa kanyang Twitter post nitong Lunes, Enero 24.

Naatakdang magretiro sina Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioners Guanzon at Antonio Kho sa Pebrero 2 ng taon.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Sa kanilang pagreretiro, tanging maiiwasan sa en banc sinaCommissioners Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.

Nitong nakalipas na taon, sinabi ngNational Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel), dapat pa ring independent ang sinumang hahalili sa magreretirong chairman ng Comelec at dalawang commissioner

“It is very important that whoever will replace will satisfy this criteria of independence,” dagdag pa ni Namfrel Secretary General Eric Alvia sa isang pulong balitaan.

Leslie Ann Aquino