Humihirit sa gobyerno ang isang militanteng grupo ng mga mangingisda na magpatupad ng price control sa galunggong at sa iba pang isda sa gitna ng pagtaas ng presyo nito sa merkado, ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Binanggit ni Pamalakaya chairperson Fernando Hicap, panahon na upang umaksyon ang pamahalaan at i-regulate ang mga pribadong fish traders na nagtataas ng kanilang presyo upang kumita sa gitna ng napaulat na kakulangan ng suplay ng isda sa bansa.

Hindi aniya pangmahirap ang nasabing isda dahil aabot na sa P250 ang kada kilo nito sa merkado na kagagawan malalaking negosyanteng walang ibang hangad kundi kumita ng malaki.

Dahil dito aniya, naging matumal na ang bentahan ng isda at isa sa dahilan ay ang pagdagsa sa bansa ng mga imported na mga produkto nito.

Eleksyon

Comelec, hiniling kay PBBM na gawing holiday ang Mayo 12, 2025