Sa pinakahuling episode sa Youtube channel ng broadcast journalist na si Karen Davila, tampok nito ang rising Kapamilya artist na si Donny Pangilinan na nagbahagi ng kanyang paniniwala sa tithing.

“It’s like, it doesn’t go through me na, it goes straight. Every time money is with me that’s already subtracted with everything,” ani Donny nang ibahagi ni Karen ang sinabi ng kaibigang si Anthony Pangilinan, ama ni Donny, tungkol sa tithing practice ng aktor.

Ayon sa Lumang Tipan, dapat tumalima ang mga tao sa law of tithing o ang pagbibigay ng mga miyembro ng Simbahan ng ikasampung bahagi ng kanilang kita sa Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan. Ang malilikom na pondo ay kalauna'y gagamitin upang palaguin ang Simbahan at itaguyod ang salita ng Panginoon.

“Maybe you have to get to that mindset that nothing is ours anyway. It’s just always let to us,” paliwanag ni Donny nang tanungin ni Karen ang dahilan ng kanyang paniniwala.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

“At the end of the day, when we die, the day will come, none of this will matter ‘di ba? You know, what’s 10% to give back to God?” sabi ni Donny dahilan para maging emosyonal din ang broadcast journalist.

“Dear, naiyak ako sa’yo, as a Christian, naiiyak ako,” ‘di naitagong saad ni Karen.

“Well again Tita [Karen], I’m not perfect. I try my best to stay in line with my family, with God. There are times that it is really hard kasi with so much is going on especially in the showbiz industry,” ani Donny.

“I think the most important thing is to have a circle of friends or a group of people that you trust; and that will motivate you towards your goal,” pagpapatuloy ng aktor.

Nang tanungin ni Karen ang mga natutunan ni Donny sa kanyang mga magulang, unang binanggit ng aktor ang pagbabalik ng biyayang natanggap sa Diyos.

“Number one thing is always give glory back to God. Hindi pwedeng mawala yun ever. Number two, keep your feet on the ground, of course. Don’t forget how you started. Don’t forget why you started and understand you are where you are because you have a purpose,” pagbabahagi ni Donny.

Para sa kanya, ang pagiging inspirasyon sa kanyang fans ang nadatnan niyang purpose nang pasukin ang showbiz industry.

“For me, when I get to inspire people. When I get messages of saying, ‘Donny, grabe I was going anxiety or whatever but somehow or something I did, nawawala ‘yun,’ everything becomes worth it,” sabi ng aktor.

Samantala, naibahagi rin sa panayam na isa sa mga non-negotiable sa mga magulang ni Donny sa kanyang pagpasok sa showbiz ang hindi makadalo sa Sunday worship service. Kaya naman sa kabila ng kanyang busy schedule, sinisikap pa rin niyang makadalo sa Sunday service linggo-linggo.