Hinihimok ng Department of Education (DepEd) ang mga estudyante, may pahintulot ng magulang, na lumahok sa patuloy na COVID-19 pediatric vaccination drive ng national government.

“Vaccination is one of the essential keys towards protecting our communities and our children against the threats of COVID-19 [coronavirus disease],” sinabi ni Education Secretary Leonor Briones sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 24.

“With additional protection for our stakeholders, we can further implement our safe-return-to-schools initiatives while helping our economy recover,” dagdag pa niya.

Hinimok din ng DepEd ang mga field offices at mga paaralan na makipagtulungan sa kani-kanilang Local Government Units (LGUs) tungkol sa patuloy na pagbabakuna sa mga bata at education frontliners.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit ang Department of Health (DOH) Circular No. 2021-0483 or the Interim Operational Guidelines on the COVID-19 Vaccination of the Rest of the Pediatric Population (ROPP) Ages 12-17 Years Old, sinabi ng DepEd na ang ROPP na may edad 12-17 taong gulang ay pinapayagang makatanggap ng mga bakuna laban sa COVID-19 simula noong huling quarter ng 2021.

“Minors ages 12-17 years old who will join the vaccination need to provide documents to prove their filiation and age such as a Birth Certificate issued by the Philippine Statistics Authority (PSA),” anang DepEd.

Tinatanggap din ang mga secondary documents, basta ito ay may kasamang valid government ID ng magulang at ng tatanggap ng bakuna.

“Moreover, parents must also sign an informed consent,” dagdag pa ng DepEd.

Merlina Malipot