Nanawagan si Senator Leila de Lima sa pamahalaan na tiyaking may sapat na paghahanda sakaling muling lumobo ang bilang ng COVID-19 cases at pagpasok sa bansa ng ibang pang bago at mas nakahahawang variants katulad ng nagaganap sa ibang bahagi ng mundo.

“Huwag naman na sanang lumala pa ang kasalukuyang pandemya o magkaroonpa ng mga bagong COVID-19 variants. Pero ngayon pa lang, mas maiginang laging handa ang gobyerno, pati na ang susunod na administrasyon,sa ganitong mga posibilidad o sa anupamang krisis na maaaring mangyarisa hinaharap,” anang senador.

Kailangang aniyang ituring na ang pandemya ay katulad ng mga kalamidadna kailangang may nakalaan na maayos na budget.

Ang babala ng senador ay batay na rin sa ulat ni World HealthOrganization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na mabilis na makahawa ang Omicron variant at ito aynararanasan na rin sa buong mundo, kung saan sinabi pa nito namaghanda rin sa mga bagong variant na posible pang mabuo.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

View Post

Leonel Abasola