Nakatakdang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Enero 25.
Pagsapit ng 6:00 ng umaga ng Martes, magpapatupad ang Pilipinas Shell ng dagdag na ₱1.90 sa presyo ng kada litro ng diesel, ₱1.70 sa presyo ng kerosene, at ₱1.45 sa presyo naman ng gasolina.
Kahalintulad na hakbang naman ang ipatutupad ng Petro Gazz, Cleanfuel at Seaoil.
Idinahilan naman ng mga kumpanya ng langis, resulta lamang ito ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado
Ito na ang ikaapat na linggong nagpatupad ng taas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Noong Enero 18, nagtaas ang mga ito ng ₱2.30 sa presyo ng kerosene, ₱1.80 sa diesel at ₱0.90 naman sa gasolina.
Bella Gamotea