Magkakaroon na ng sign language interpreter ang Sunday Mass sa Manila Cathedral sa Intramuros.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Manila Cathedral na ito ay para sa kanilang Misa sa ika-8 ng umaga.

“We are glad to announce that our 8 a.m. Mass every Sunday will have a sign language interpreter for our deaf brothers and sisters,” saad ng naturang post.

“Our gratitude to the Interpreters and Signers Ministry of the Archdiocese of Manila for proclaiming the Word of God to all members of Christ’s Body, the Church,” dagdag nito.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Noong 2019, inihayag din ng Manila Cathedral ang pagsasama ng sign language interpreter sa kanilang liturgical celebrations.

Ito ay sa pamamagitan ng social media live streaming ng TV Maria, ang Filipino Catholic television channel.

Karaniwang livestream ng TV Maria ang mga Misa sa katedral.

Leslie Ann Aquino