Napansin ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba sa bilang ng mga lumabag sa patakarang "no vaccine, no ride" ng gobyerno.

Mula sa 160 lumabag noong unang ipinatupad ang patakaran noong Enero 17, sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang bilang ng mga lumabag ay walo na lang noong Biyernes, Enero 21.

“It’s a good sign that the public is slowly adjusting to the policy. We are observing increased cooperation from the unvaccinated individuals,” ani Carlos.

Nananatili pa rin ang direktiba sa PNP na huwag arestuhin ang mga lalabag. Nauna nang sinabihan ang mga pulis na huwag arestuhin ang mga lalabag at sa halip ay babalaan at turuan sila sa patakaran.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Inihahatid ng ilang Local Government Units (LGUs) ang mga lumabag sa pinakamalapit na lugar ng pagbabakuna kung papayag ang huli na mabakunahan.

Pinaalalahanan ni Carlos ang mga deputized PNP personnel na mag-exercise ng maximum tolerance sa mga lumalaban na indibidwal.

Sinamantala rin niya ang pagkakataon na purihin ang mga pulis na nagsasagawa ng maximum tolerance sa pagpapatupad ng polocy.

Kamakailan, nasukat ang pasensya ng isang pulis nang sigawan siya ng isang babaeng commuter matapos tanggihan ng masasakyan dahil sa hindi pagpapakita ng kanyang vaccination card.

“We commend the impressive behavior displayed by our personnel. It was grace under pressure. May we also ask the public not to blame our personnel as they are only fulfilling their mandate,” ani Carlos.

Aaron Recuenco