Sinalungat ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang mga banat ni Unkabogable Star Vice Ganda hinggil sa mga 'Marites' o makabagong tawag sa mga chismosa, miron, at uzi (usisero at usisera).

Ayon umano sa pasaring ni Vice Ganda, para sa kaniya, ang mga pinakapangit na tao sa mundo ay mga Marites. Kasunod daw ng magnanakaw at kriminal ang pagiging chismosa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/23/vice-ganda-may-pinasasaringan-ang-pangit-after-magnanakaw-kriminal-marites/

"Depende 'yan sa mga sinusubscribe-an n'yo eh, kung saan mo ine-expose yung sarili mo. Nakukuha mo yung energy na 'yon kung mga sinusubscribe ninyo, pinapanood, o binabasa, masasaya, gumaganda ang energy ninyo. Pag sinusubscribe n'yo, pinapakinggan, pinaniniwalaan, o binabasa yung mga pangit na chika, nakakapangit iyan," ayon kay Vice.

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

"Kaya 'di ba, ang pinakapangit na tao sa mundo yung mga Marites? Kasi pagkatapos ng mga magnanakaw, Marites na 'yon eh. Ganoon kapangit. Narealize ko, lalo na noong end ng 2021. Parang masyado na nating ginagamit yung term na Marites, akala ng mga tao cute 'yun."

"Kaya ang daming nagpapaka-Marites, akala nila ay pag Marites cute ka. No, ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, sinungaling… Marites."

Reaksyon naman ni Ogie, iginagalang naman niya ang opinyon ni Vice, ngunit lahat naman daw ay guilty sa pagiging Marites, dahil ito ay kaakibat na sa kultura ng mga Pilipino. Ang dapat daw na uri ng Marites na meron ngayon ay 'Marites with a heart.'

"Hindi porket narinig natin ang chika sa ibang tao, eh paniniwalaan na agad natin. Puwede ring maging tulay ang Marites," depensa naman ni Ogie.

Aminado naman sila na bahagi sila ng pagiging Marites dahil iyon ang trabaho nila bilang showbiz reporter. Tutol naman siya sa sinabi ni Vice na ang 'pinakapangit na mga tao sa mundo ay Marites.'

"Nag-evolve lang 'yan sa pagiging chismosa… yung term na chismosa nag-evolve lang 'yan, ganiyan lang 'yan. Tayo, Marites po kami, kasi mga taga-industriya kami. Sabihin n'yo nang trabaho namin ito, 'di ba, pero sa pagiging Marites namin, marami kaming naaaliw, marami kaming napapangiti," sey ni Ogie.

"May iba naman na hindi nila alam na Marites sila… yung iba in denial lang. Sa totoo naman, pagdating ng umpukan, sila pa yung source ng mga information sa buhay ng ibang tao."

"Pero 'Nay, baka ang tinutukoy ni Vice ay yung mga Marites na walang ibang intensyon kundi manira ng iba? Baka naman nageneralize o miscalculation of words?" pagtatanggol naman ni Mama Loi sa sinabi ni Vice.

"Ay hindi po Marites 'yun, troll 'yun," sagot naman ni Ogie.

"Sana lang hindi ginegeneralize kasi puwedeng kung ang isyu ay kay Lolit (Solis), kay Lolit. Kung ang isyu ay kay Ate Cristy, kay Ate Cristy. Kung ang isyu ay kay Ogie Diaz, kay Ogie Diaz lang, kumbaga, hindi naman lahat ng Marites ay nag-iimbento ng balita, ng impormasyong nakalap. Kaya sana hindi ginegeneralize ang pagiging Marites."

Sana raw, dinirekta na lamang ni Ogie si Manay Lolit kung may isyu raw siya sa mga nasabi nito, dahil baka nasaktan naman ang ibang mga Marites na ginagawa lamang nila ang trabaho nila.

Depensa naman ni Ogie kay Vice, baka nasaktan ito sa sinabi ni Manay Lolit dahil tumatayo ring creative consultant ang komedyante-host sa noontime show, kaya kahit paano ay may sey ito sa mga nangyayari sa programa. Pero syempre, may source din naman si Manay Lolit na baka iba rin ang pagkakakuwento sa kaniya.

"So it's a matter of source lang talaga,"giit ni Ogie.

"Inuulit ko po, hindi po masamang maging Marites. Maging Marites tayo kasi concern tayo sa tao, dahil concern tayo sa friends natin, dahil gusto nating tulungan ang ating kapwa. Gawin nating magandang deskripsyon o paglalarawan ang isang pagiging Marites," diin pa ng showbiz columnist na kaibigan at dating manager ni Vice.

"I-mean po nating maging ganoong klaseng Marites, hindi 'yung negang Marites," segunda naman ni Mama Loi.

"Korek. Para hindi tayo next to magnanakaw," natatawang hirit naman ni Ogie.