Isang health reform advocate ang nagtulak ng mas mataas na pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) habang kasalukuyang bumababa ang growth rate sa bansa.

Sinabi ng dating National Task Force (NTF) against COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon, nitong Linggo, Enero 23, na dapat samantalahin ng pambansang pamahalaan ang bumababang growth rate at palakasin ang kampanya ng pagbabakuna ng bansa.

“Ang dapat isipin natin kung bumababa ang growth rate natin ay samantalahin nating magbakuna nang mabilisan. Lalo na doon sa mga hindi pa nagbabakuna, yung nakaisang bakuna [pa lang], at tiyaka yung booster shots ,” sabi ni Leachon sa isang panayam sa DZRH.

Muling iginiit ni Leachon na ang mga booster jab ay nagpoprotekta sa publiko laban sa highly transmissible na variant ng Omicron ng COVID-19.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Ang booster shots kasi ‘yan ang magpoprotect sa atin against Omicron. ‘Yan ang napag-aralan na lumabas kahapon sa Centers for Disease and Control Prevention (CDC) sa Amerika na ang tatlong doses talaga ang new term for full immunization,” dagdag ni Leachon.

Sinabi rin niya na ang NCR, bilang "pinansyal na kapital ng bansa," ay dapat na latagan din ng mas pinalakas na kampanya sa pagbabakuna upang maprotektahan ang rehiyon.

Sa kanayunan aniya, ang diskarte ay dapat manatili sa loob ng “test, trace, isolate, quarantine” na pamamaraan at pagtutok nang higit pa sa testing at vaccination laban sa COVID-19.

Charlie Mae. F. Abarca