Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit sa ₱5M na halaga ng ecstasy sa ikinasang controlled delivery operation sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawa na sina Evelyn Sotto, alyas Jennica Abas, at Genevie Abas.

Nilinaw ng PDEA na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Shenzen Chinese Customs kaugnay ng pagdating sa bansa ng isang package mula sa Netherlands na posibleng naglalaman ng iligal na droga nitong Enero 20.

Nang buksan ng mga awtoridad ang bagahe ay natuklasan nila ang mga nakatagong ecstasy na umaabot sa 3,034 tabletas.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Kaagad namang nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng anti-narcotics unit na ikinaaresto ng dalawang suspek nasa kustodiya na ng PDEA Central Office.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag saSection 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Chito Chavez at Jun Fabon