Pinuna ng apat na kumakandidato sa pagka-pangulo sa May 9 National elections ang mga pagkukulang umano ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Hindi pinaligtas ni Senator Manny Pacquiao ang usapin mass vaccination at sinabing dapat na naisagawa sa kaagahan ng pandemya upang naiwasan sana ang pagpapairal ng mga lockdown na nagresulta sa pagkakatanggal sa trabaho at pagkawala ng ikinabubuhay ng mga Pinoy.

"'Pag start pa lang nitong virus na ito na lumaganap dito sa ating bansa ang sinasabi ko na po noon ay 'yong mass vaccination dahil para po hindi po tayo mag-lockdown nang mag-lockdown," paglalahad ni Pacquiao sa The Jessica Soho Presidential Interviews na inilabas sa telebisyon nitongSabado ng gabi.

"Masasabi ko na talagang 'yon po ang pagkakamali na dapat ang pondo nilaan natin doon sa pag-purchase ng vaccine," sabi pa niya.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Pinuna naman ni Manila Mayor Isko Moreno hindi maayos na pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng mga lockdown.

“So maraming dapat lang i-adjust, for example 'yung pagbibigay ng ayuda, dapat mas efficient. So 'yun ang talagang naging hamon sa national government,” pahayag ni Moreno.

Kulang naman sa sense of urgency ang nakita ni Vice President Leni Robredo sa paglaban ng pamahalaan sa pandemya.

"'Yungpinakaproblematalaga marami namang magandang ginawa, pero 'yongpinakaproblematalaga number one walang sense of urgency. Maraming mga problema na na-prevent sana nating mangyari kung mas mabilis tayong umaksyon," paliwanag ni Robredo.

Inihalimbawa ni Robredo ang unang naranasang nagkulang sa suplay ngPersonal Protective Equipment (PPE) para sa mga health workers at ang huli nang pagsasara ng mga bordersng bansa.

"Alam na natin na mayroong epidemic sa ibang lugar pero hindi tayo nag-asikaso. Alam natin na kailangan na tayo mag-close ng ating borders parang sobrang tagal ng ating pagdedesisyon," paliwanag nito.

Sa panig ni Senator Panfilo Lacson, dapat na proactive, science-based, at data-driven ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

“Ang dapat itama dito, dapat naging proactive ano tapos dapat laging science-based at tsaka data-driven. Lahat ng kilos natin dapat nakabase sa siyensya at tsaka nakatuon doon sa mga datos na available,” pagdadahilan nito.

Nakita rin ni Lacson ang pangunahing problema ng gobyerno sa pandemic response nito. Kabilang aniyarito ang burukrasya at umano'y korapsyon sa pamamahagi ngSocial Amelioration Program (SAP).