Trending topic ngayon sa Twitter ang #LeniDuwag matapos umanong tanggihan ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang imbitasyon ng DZRH para sa isang presidential live interview na "Bakit Ikaw?"

Sa isang Facebook post ni Antonio P. Contreras, Political Science Professor ng DLSU Manila, ibinahagi niya ang iskedyul ng mga presidential candidates na lalahok sa naturang live interview na pangungunahan umano ng radio station na DZRH at Manila Times.

screengrab mula sa FB/Antonio P. Contreras

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Wala sa listahan sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Contreras, hindi pa nagkukumpirma si Moreno habang tinanggihan naman ni Robredo ang imbitasyon.

Samantala, sa magkahiwalay na Facebook post, sinabi ni Contreras na nirerespeto niya ang naging desisyon ni Robredo at karapatan umano ng bise presidente na pumili ng forum o lugar na nais niyang daluhan.

screengrab mula sa FB/Antonio P. Contreras

"I respect Leni Robredo's decision to decline the invitation of DZRH and Manila Times to attend Bakit Ikaw, a live panel interview of presidentiables. Much as I was looking forward to the opportunity of asking her questions, as one of the panelists, I can only but take cognizance of the fact that it is well within her right to choose which forum and venue she would like to attend," aniya.

"After all, this is a free country, and Bakit Ikaw is just one of the many platforms through which the candidates can offer themselves for public scrutiny. We are in a pluralist democracy, where no one has a monopoly of the venues for legitimate political discourse," dagdag pa niya.

Hinihimok din ng propesor ang mga tao na huwag husgahan si Robredo sa naging desisyon umano nito.

"I urge people to desist from passing judgment on Mrs. Robredo, and just learn to respect her choice,"

Gayunman, narito ang iskedyul ng umanong presidential interview:

Bongbong Marcos Jr., - Martes, Enero 25, 2022, 4:00 p.m. - 6:30 p.m.

Leody De Guzman - Miyerkules, Enero 26, 2022, 4:00 p.m. - 6:30 p.m.

Ping Lacson - Biyernes, Enero 28, 2022, 4:00 p.m. - 6:30 p.m.

Manny Pacquiao - Sabado, Enero 29, 2022, 4:00 p.m. - 6:30 p.m.

Matatandaan na nitong nakaraang araw, naging trending topic din sa Twitter ang #MarcosDuwag kasunod ng ulat na hindi pinaunlakan ni dating senador at Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon ng GMA Network para sa "The Jessica Soho Presidential Interviews" na umere noong Sabado, Enero 22.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/21/marcosduwag-trending-sa-twitter-matapos-di-paunlakan-ni-bbm-ang-isang-presidential-interview/

Samantala, as of this writing, wala pang pahayag ang kampo ni Robredo tungkol sa pahayag ni Contreras.