Sa tweet ng journalist na si Karen Davila, nagpahayag ito ng pasasalamat sa award-winning journalist na si Jessica Soho sa pag-usisa sa mga tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Aniya, naging ang mga tanong na ibinato sa apat na dumalo ay daan upang maipakita ng bawat kandidato ang tunay nitong katangian at intensyon.

"The presidency is not only about competence & vision but also about character. Interviews with journalists help peel the layers for voters to get to know candidates," ani Davila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/iamkarendavila/status/1485025263717326851

Dagdag pa ng mamamahayag, makakatulong ang mga interviews sa taumbayan upang mabusising masuri ng mga ito kung sino ang kanilang iboboto sa darating na halalan sa Mayo 9.

"Bawat mamamahayag, may kanya kanyang istilo ng pagtatanong at nakakatulong lahat ito sa pagpili kung sino iboboto."

Naging trending ang #JessicaSohoInterviews sa Twitter na umabot sa 287.9K tweet volume.

Ang interbyu ay dinaluhan ng apat na presidential aspirants na sina Bise Presidente Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquaio, at Manila Mayor Isko Moreno.

Hindi naman nagpaunalak sa imbitasyon ang dating senador na si Bongbong Marcos.

Basahin: Kampo ni Marcos Jr., nagsalita na tungkol sa hindi pagsali ni BBM sa GMA show; Jessica Soho, biased daw?

Samantala, bukod sa pagpapasalamat ni Davila kay Soho, inalala rin nito ang pinagdaan nila noong 2016 presidential debates.

"I remember noong 2016 Presidential debates, we were trolled, bashed & accused for being ‘biased’ for asking then Mayor Duterte certain Qs. Kapag binalikan ang mga tanong at sagot, he gave a glimpse of what was to come. That’s why facing the media is critical," paggunita ni Davila.

Pagpapaalala naman ni Davila, ginagampanan lamang ng mga journalist ang kanilang tungkulin at wala silang hinanakit sa sinumang kumakandidato.

"Candidates must remember - when journalists ask ‘tough or hard’ questions, they are doing the public good," paalala ni Davila.

"We don’t go home personally hating a candidate. Trabaho lang. The Presidency is no joke. The country & our children’s future is at stake," dagdag pa niya.