Binanggit ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Sabado ng gabi, Ene. 22 ang tatlong dahilan kung bakit bumagal ang programa ng pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) nitong mga nakaraang linggo.

Sinabi ni Galvez na ang pinsala na dulot ng bagyong "Odette," ang pagbabago ng prayoridad ng local chief executives (LCEs) sa kampanya sa halalan, at ang matagal na banta ng mga rebeldeng komunista ay lahat nag-ambag sa yugto ng patuloy na programa ng pagbabakuna.

Ito ang tugon ni Galvez sa isang kamakailang ulat na inilabas ng World Bank na ang programa ng pagbabakuna ng Pilipinas ay "patuloy na nahuhuli sa mga regional peers” sa Asia Pacific, kung saan 54 porsiyento lamang ng populasyon nito ang ganap na nabakunahan noong Enero 13.

Mas mababa ito kumpara sa 90 porsyento ng China; 89 porsiyento ng Singapore; 80 porsiyento ng Australia, Japan, at Vietnam; 79 porsiyento ng Malaysia at Taiwan; 78 porsiyento ng New Zealand; 73 porsiyento ng Thailand; 67 porsiyento ng Hong Kong; 65 porsiyento ng India; at 63 porsiyento ng Indonesia.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“In November of last year, we were able to reach and sustain our target of administering more than a million vaccine doses daily, which continued until December through the unwavering support coming from our private sector partners and local government units throughout the country…. However, several external factors have limited our ability to maximize such partnerships, and consequently, slowed down our vaccination efforts,” pag-amin ni Galvez.

“Among these factors was the onslaught of typhoon Odette in December, whose impact in major areas across the Visayas and Mindanao are still being felt and being addressed by the government to this day,” dagdag niya.

Ang Bagyong Odette ay tumama sa anim na rehiyon sa Visayas at Mindanao na nasa gitna pa naman ng proseso ng pagpapataas ng vaccination rate nang humagupit ang kalamidad noong Disyembre 16, 2021.

Dahil dito, napilitan ang mga local government units (LGUs) na pansamantalang suspendihin ang kanilang pagbabakuna upang matugunan ang mga agarang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan tulad ng pagkain, gamot, at tirahan, paliwanag ni Galvez.

“Moreover, the upcoming elections are also diverting the attention of some of our local chief executives from the efficient implementation of their vaccination drive, which we believe is the more important task at hand,” dagdag ng vaccine czar.

Sa Mayo 9 nakatakdang ganapin ang Halalan 2022.

Umaasa si Galvez na isasantabi muna ng mga alakalde ang kanilang mga personal na interes at unang tiyakin ang kalusugan at proteksyon ng kanilang mga nasasakupan lalo na't ang bansa ay nasa gitna muli ng isang surge.

Martin Sadongdong