Hinimok ni Senador Leila de Lima ang Kongreso na agad na ipasa ang batas na nagsusulong ng limang araw na paid pandemic leave para sa mga manggagawa dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ikinalungkot ni De Lima na ang mga manggagawa na nasa bulnerable nang posisyon sa lipunan ng Pilipinas na lalo pang pinalala ng epekto ng coronavirus disease (COVID-19) surge.

“They fear getting infected and lose their jobs, they face other hardships during this pandemic. Instead of financial assistance, what does this government do? They sow fear, violence, burdens, penalties, discrimination, human rights abuses. Where is justice?” tanong ng senador.

Noong nakaraang taon, inihain ni De Lima ang Senate Bill (SB) No. 2307 na naglalayong magbigay ng limang araw na bayad na epidemic leave benefit sa sinumang empleyado ng pribadong sektor, anuman ang katayuan sa trabaho, na nagpositibo sa COVID-19 virus, o anumang umuusbong na nakahahawang sakit.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nagbibigay din ang panukalang batas ng maximum na 60 araw ng mga bayad na kredito sa bakasyon sa 80 porsiyento ng buong suweldo ng empleyado para sa mga inilagay sa "floating status."

Ang senatorial re-electionist ay naghain din ng Senate Bill No. 2148 na naglalayong bigyan ng 10 working days na paid leave para sa mga nahawaan ng COVID-19 kung saan dahil sa likas na katangian ng ang kanilang trabaho, ay hindi sila makaka-avail ng isang telecommuting program o work from home scheme.

Sinabi ng nakakulong na mambabatas na nakikiisa siya sa mga manggagawa na nananawagan para sa mas mabuting pagtrato sa mga manggagawa lalo na sa panahong ito ng pandemya.

“I support the continuous call of workers—in social media, in the office, those working at home and in the streets—so that the government would hear their plight and their situation would improve eventually,” ani De Lima.

“I call on Congress to pass the Paid Pandemic Leave bill. There should be aid and justice for our workers!” dagdag ng mambabatas.

Hannah Torregoza