Bunsod ng maraming reklamo kaugnay sa umano'y korapsyon at massive congestion sa Port of Matnog sa Sorsogon, kaagad umaksyon si House Transportation Committee Chairman Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento upang pakilusin ang mga ahensya ng gobyerno upang malutas ang mga nasabing problema.
Sinabi ni Sarmiento na ang Port of Matnog ay mahalagang daungan dahil ito ang itinuturing na "Luzon’s gateway to Visayas and Mindanao."
“The House Committee on Transportation received several complaints regarding the recurring issue of congestion and corruption in the Port of Matnog in Sorsogon. Personally, I have seen the recent viral post in social media regarding the situation in Port of Matnog,” ayon sa Facebook post ng kongresista.
Bert de Guzman