Nasamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang humigit-kumulang P150-milyong halaga ng mga pekeng COVID-19 antigen test kits, face mask, gamot pati na rin mga pekeng produkto sa isang raid sa isang warehouse noong Biyernes, Enero 21 sa isang bodega sa Maynila.

Ang operasyon ay humantong sa pagkaka-aresto sa may-ari ng storage, isang Chinese national, ayon sa BCO sa isang pahayag.

Sa inspeksyon, natagpuan ng mga awtoridad ang libu-libong Clungene COVID-19 antigen test kit, mga pekeng Chinese herbal medicine na LianHua at mga pekeng 3M N95 na face mask. Nakakita rin sila ng mga pekeng Nike, Fila, Converse, Adidas, Louis Vuitton at Gucci bag, wallet, phone accessories, at iba pa.

“Definitely the owner of the warehouse will face the brunt of the law. This is not the first time and not the last time we will see these groups operating on our shores,” sabi ni Alvin Enciso, head of Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Our job here is to make sure these don’t get into the local markets, and to stop any future attempts at selling counterfeit goods to our kababayans,” dagdag niya.

Ang naarestong suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 1401 (Unlawful Importation/Exportation) ng Customs Modernization and Tariff Act at paglabag sa Food and Drug Administration (FDA) rules and regulations.

Waylon Gomez