Nag-init ang ulo ng mga netizen at manonood sa isang anak matapos nitong ireklamo sa 'Raffy Tulfo in Action: Wanted sa Radyo' ang inang OFW sa Bahrain dahil hindi umano ito nagpapadala ng sustento sa kanila.

Sa episode ng ‘Raffy Tulfo in Action: Wanted sa Radyo' nagkasagutan ang mag-inang sina Bernadette Montaniel at Jerald Reondangga dahil sa hindi umano regular na pagpapadala ng pera ng ina sa kaniyang anak na na sa Pilipinas; ngunit sa halip na sa nagrereklamo mapunta ang simpatya ng mga manonood, nadismaya sila rito at ang awa ay napunta sa inirereklamong ina.

Jerald Reondangga (Screengrab mula sa YT/Raffy Tulfo in Action)

Bernadette Montaniel ((Screengrab mula sa YT/Raffy Tulfo in Action)

Hindi rin nagustuhan ng mga manonood ang paraan ng pagsagot-sagot ng anak sa ina.

Idinudulog ni Jerald ang maliit na halaga ng perang ipinadadala ni Bernadette, na minsan ay ipinapadaan pa umano sa ibang tao.

Katwiran naman ng ina, maliit lang daw talaga ang kaniyang naipapadala dahil maliit din naman ang sinusuweldo niya bilang domestic helper.

Inuuna rin umano niyang mabayaran ang mga utang gaya ng pinambili niya sa motorsiklo ng kaniyang anak, at isa pang traysikel.

Hindi naman daw nagmimintis ang ina na magpadala ng pera sa tuwing kaarawan ng anak. Dismayado lamang daw siya kapag humihiling ito ng bonggang handaan dahil maraming mga barkada na kailangang patomahin. Humihling din ang anak ng bahay at lupa.

Binilhan niya rin umano ng cellphone ang kaniyang mga anak na inutang niya rin.

Hindi rin maibigay ng ina ang hiling na sariling bahay at lupa para sa kanila. Reklamo ni Jerald, nakikigamit pa sila ng banyo sa ibang bahay.

Sa isang bahagi ng usapan, binara at sinansala pa ng anak ang kaniyang ina na huwag muna itong magsalita dahil hindi pa siya tapos sa kaniyang mga pahayag.

Hindi naman matanggap ng ina ang ginawa sa kaniya ng anak dahil bakit kinailangan pa umano siyang ipa-media gayong maaari naman nila itong maayos bilang isang pamilya.

Screengrab mula sa YT/Raffy Tulfo in Action: Wanted sa Radyo

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen.

"Mahalin mo nanay mo Jerald. Kung hindi niya kayang i-provide yung mga gusto mo, ikaw magtrabaho para makamit mo yung mga bagay na 'yun. Ipagdasal mo na lang na sana laging maging okay ang health ng mama mo. Trabaho ng DH, all around yan. Ilang oras lang tulog nila, tinitiis yung pagod, puyat mapadalhan lang mga kapamilya sa Pilipinas. Magtrabaho ka and mag-ipon paunti-unti, kaya mo 'yan. Wag i-asa lahat sa magulang. Sariling sikap is the key."

"Sending hugs and love for Nanay. Grabe ang sacrifices n'yong OFWs sa family at sa bansa. You all deserve honor and love."

"Sending hugs for Nanay. Sobrang hirap ng buhay sa abroad, dapat matuto tayong pahalagahan kahit maliit na bagay dahil hindi natin alam ang buhay, we should love and be content with what we have and we must love our mother, or our father, sila 'yung hero na kasama natin kahit man hindi nila maibigay lahat ng gusto natin."

"Hindi namumulot ng pera ang OFW! Malayo na sa pamilya! What a sacrifice for all of you! Yan pa gagawin n'yo? Gooosssssh!!! Please be grateful of what you have!!!! Nanay, you already did your best! And be strong ka lang po. God bless Nanay."

"The audacity of her son! Lumalaki na kayo, you can already work hard for anything na gusto ninyong magkaroon! Hindi lahat i-aasa sa parents since of legal age na kayo. Masuwerte kayo kahit malalaki na kayo may sustento pa kayo from your parents. You should be grateful! Hugs mommy for all your sacrifices for your family."

Mapapanood ang kabuuang kuwento sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action noong January 18, 2022 episode.