Aabot sa 116 na indibidwalang natimbogng pulisya, habang 62 baril at 261 iba pang nakamamatay na armas ang nakumpiska sa ipinatutupad na Commission on Elections (Comelec) checkpoints sa Metro Manila sa nakaraang dalawang linggo, ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Inihayag niNCRPO chief Major General Vicente Danao, Jr. na resulta lamang ito ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad at implementasyon ng gun ban sa Kamaynilaan simula nitong Enero 9.

Sa nabanggit na bilang, 1 dito ang nasita at dinakip sa Comelec-Police checkpoints sa Metro Manila habang 105 iba pa ang inaresto naman sa gitna ng police operations.

Nasamsam naman ng pulisya ang 62 na baril, kabilang na ang mga paltik, sumpak, at iba pang hindi lisensyadong baril, dagdag pa ang 261 na deadly weapons.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Bella Gamotea