Mula nang ilunsad ng Billboard charts ang “Hot Trending Songs" noong Oktubre 2021, hindi natibag sa leaderboard ang Pinoy Pop group na SB19 at pinalagan pa ang rekord ng South Korean global pop powerhouse na BTS.

Sa ika-anim na pagkakataon, muling nasungkit ng grupo ang top spot sa Billboard’s Hot Trending Songs Chart para sa kanilang kantang “Bazinga” na tampoK sa kanilang pinakaunang extended play (EP) na “Pagsibol” noong 2021.

Sa ngayon, pareho nang may hawak sa record ang SB19 at global pop group na BTS para sa kantang “Butter” matapos manatili nito sa chart ng anim na linggo.

Ayon sa pagtatala ng Billboard, umabot sa kabuuang 4.2 milyong Twitter mentions ang “Bazinga” sa nakalipas na isang linggo mula Enero 7 hanggang 14.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Noong Disyembre 2021 unang naungusan ng SB19 ang rekord ng BTS sa naturang chart. Simula noon, hindi na natinag ang kanilang fans, ang A’Tin upang mas lalong paingayin ang kanta sa social media site na Twitter.

Basahin: ‘Bazinga’ ng SB19, naungusan ang global hits ng BTS sa Hot Trending Songs Chart ng Billboard – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan ay naging kinatawan ng Pilipinas ang grupo sa Round Festival sa South Korea kung saan inawit nito ang mga kantang “What”, “Tilaluha”, “Mapa”, “Bazinga” at “Go Up”.

Binubuo ang grupo nina Stell, Justin, Pablo, Josh at Ken.