Ikinalungkot ni Vice President Leni Robredo ang kalagayan ng suplay ng enerhiya sa bansa na aniya’y "number one concern” sa ngayon habang nanawagan siya para sa pagpapaunlad ng mga renewable energy resources upang maibsan ang tumataas na presyo ng kuryente.
Tinanong ang presidential aspirant sa plano nito sa pagtugon sa mga isyu sa presyo at suplay ng enerhiya kung siya ay mahalal bilang Pangulo ng bansa ngayong Mayo.
Nagsalita si Robredo sa isang online forum, “Meet the Presidentiables: Economic Reforms in the New Frontier,” na ginanap ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) noong Biyernes, Enero 21.
“The Malampaya gas fields is running dry very soon. There are pending applications for service contracts that have not yet been acted upon. So, number one, there should be an immediate review of all these applications and award them as soon as possible. And government should provide support to private companies to fast-track development of oil fields,” ani Robredo.
Nakikita rin ng Bise Presidente ang pagpapalawak ng Energy Virtual One Stop Shop (EVOSS) at ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) bilang isa pang paraan upang palakasin ang pagbuo ng mga proyekto ng enerhiya sa pamamagitan ng pag-streamline ng proseso ng pag-apruba.
Binanggit ni Robredo ang solusyon na ito dahil ipinaalam sa kaniya ng mga stakeholder ang tungkol sa mahaba at matagal na proseso.
Bahagi ng kaniyang plano sa enerhiya ang maging mas carbon neutral sa 2050, ngunit sinabi niyang sa kasalukuyan ay wala pang road map na tumutukoy kung paano ito makakamit.
“We have committed to be carbon neutral by 2050, but the first step, of course, is to accelerate this because we don’t have a very clear transition plan yet. We need to immediately reorient this into a roadmap to increase our levels of energy self-sufficiency with clear milestones,” aniya.
Itinuturing din ni Robredo ang liquified natural gas (LNG) bilang tanging praktikal na opsyon para sa transition na ito at sinabing dapat manguna ang Department of Energy (DOE) sa pag-secure ng supply ng LNG sa halip na payagan ang indibidwal na pag-angkat ng mga kumpanya.
Sa pangmatagalang panahon, binanggit ni Robredo ang pagbibigay-priyoridad sa mga murang pinagkukunan ng enerhiya tulad ng solar, wind, at geothermal na magsusulong ng kanilang paggamit upang maiwasan ang kakulangan ng kuryente.
“One sustainable alternative also, which [is] being pushed by some sectors, is to encourage high-consumption volume consumers to put up their own solar panels for those who can afford. Putting up panels in ecozones, for example, can shave off the peak to manage the supply,” dagdag ni Robredo.
Kasabay nito, nagpahayag ng suporta ang presidential aspirant sa pagsusulong ng mini grids bilang pinagkukunan ng enerhiya para sa malalayong komunidad.
Nais din niyang i-update ang mga implementing rules and regulations ng Value Added Tax law, i-calibrate ang mga rate ng excise tax bilang tugon sa mga pagbabago sa pandaigdigang presyo, at suriin ang system loss allowance.
Sa forum, binanggit ni Robredo ang kaniyang paninindigan sa nuclear energy na may kinalaman sa pagkakaroon ng mga talakayan sa usapin. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paglipat sa renewable energy mula sa fossil fuel.
“While I am open to discussions, it is very, very clear that the priority now should be moving away from fossil fuel dependence towards a shift to renewable energy. We should also ensure that energy costs do not hamper our economic trajectory,” sabi ng aspiring President.
Raymund Antonio