Matapos ang pahayag ng kampo ni Bongbong Marcos na “biased” umano ang award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho kaya tumanggi itong magpaunlak ng panayam, umalma ang kapwa presidential aspirant na si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa mabigat na akusasyon.
“Jessica Soho, biased? I was asked very hostile questions like my role during martial law, why I evaded arrest in 2010, my co-authorhip and sponsorship of the Anti-Terror Law, human rights issues and other hard questions. I don’t think so. Like any journalist, trabaho niya yun,” ani Lacson.
Dahil sa isyu, naglabas na rin ang GMA Network ng pahayag at pinabulaanan nito ang paratang ng kampo ni Bongbong laban kay Soho. Iginiit din ng GMA Network na ang mga tanong sa "The Jessica Soho Presidential Interviews" ay inaasahang mabibigat sapagkat hindi isang madaling trabaho ang maging isang Pangulo ng bansa.