Bad news sa mga motorista.

Nagbabadya ang pagpapatupad muli ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas sa Enero 25 ng P1.80 hanggang P1.90 ang presyo ng kada litro ng diesel, P1.60-P1.70 sa presyo ng kerosene at P1.50-P1.60 naman ang marahil na idadagdag sa presyo ng gasolina.

Ang napipintong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Sakaling ipatupad, ito na ang ikaapat na linggong oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Sa loob ng tatlong linggo na dagdag-presyo mula sa petsang Enero 4,11, at 18, umabot na sa P5.30 sa diesel, P5.05 sa kerosene at P3.50 naman sa gasolina.

Bella Gamotea