Hindi obligado ang mga kandidato, kabilang ang mga tumatakbo para sa matataas posisyon, na dumalo o makilahok sa mga debate.
Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na kung siya ang tatanungin, ay dapat na dumalo ang mga ito sa kahalintulad na public events.
“Presidential and Vice Presidential candidates should commit, to the public whose votes they seek, that they will participate in the #PiliPinasDebates2022,” bahagi ng Twitter post ni Jimeneznitong Sabado, Enero 22.
Sa nakaraang post ni Jimenez, binanggit nito na obligado ang mga kandidato na makilahok sa mga debate, gayunman, ayon sa kasaysayan, dumadalo ang mga ito sa mga Comelec-sponsored debates.
Nakatakdang magsagawa ang Comelec ng tatlongpresidential at vice-presidential debates sa Pebrero, Marso at Abril.
Inilabas ni Jimenez ang pahayag matapos ang kontrobersyal na pagtanggi ni presidentialaspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos na dumalo sa isang television talk show para sa mga kumakandidato sa pagka-presidente.
PNA