Niyanig ng 6.5-magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Dakong 10:26 ng umaga nang maramdaman ang nasabing lindol sa layong 234 kilometro Timog Silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.
Ang pagyanig ay lumikha rin ng lalim na 66 kilometro.
Babala ng Phivolcs sa publiko, asahan ang maitatalang pinsala at aftershocks ng lindol.
Una nang naramdaman ang magnitude 5.4 na pagyanig sa Davao Oriental kung saan natukoy ang sentro nito sa layong 15 kilometro ng Timog Silangan ng Baganga dakong 4:43 ng madaling araw.
Naramdaman din ang Intensity IV sa Baganga at Caraga sa Davao Oriental at Maco sa Davao de Oro.
Naiulat din ang pagtama ng Intensity III sa Mawab at Monkayosa Davao de Oro; Lupon, Manay, at San Isidro sa Davao Oriental; Bislig City, Surigao del Sur; at Rosario naman sa Agusan del Sur.
PNA