Nagsalita na ang kampo ni Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., tungkol sa hindi pagsali ni BBM sa presidential interview na pinangungunahan ni Jessica Soho-- na "bias" daw umano laban sa mga Marcos.

Sa isang opisyal na pahayag ni Atty. Victor D. Rodriguez, spokesman ni Marcos Jr., sinabi niya na hindi nagpaunlak ng panayam si BBM sa naturang presidential interview na pinangungunahan ng GMA Network News Anchor na si Jessica Soho dahil "biased" umano ito laban sa mga Marcos na maaari umanong ang mga katanungan ay tutuon lamang sa negatibong impormasyon tungkol kay BBM.

"The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM which the UniTeam dislike," ani Rodriguez.

Kabilang si Bongbong Marcos sa mga na-imbimbitahang presidential candidates para sa programa dahil sa kanilang consistent na high ranking sa poll surveys.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Inaasahan na dadalo sa programa ni Soho ay sina Vice President Leni Robredo, Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng Aksyon Demokratiko; Partido Reporma chairman Sen. Panfilo “Ping” Lacson at PROMDI bet Sen. Manny Pacquiao.

Dagdag din ni Rodriguez, umaasa ang UniTeam na ang mga diskurso tungkol sa darating na halalan ay dapat nakatuon umano sa kung paano lulutasin ang nalalabing problema sa bansa na dulot ng COVID-19 pandemic at kung ano ang mga plano ng mga presidential aspirants para sa bansa.

"It hopes that the discourse in any forum about this coming elections must focus on how the aspiring presidents will solve our country’s lingering problems caused by the Covid19 pandemic and what their plans are for our country to roll up from economic stagnation."

Ayon pa kay Rodriguez, ang tungkulin ni Bongbong Marcos ay para sa mga mamamayang Pilipino at hindi sa partikular na tv show o program host.

"Presidential aspirant Bongbong Marcos’ duty is to the Filipino people and not to a particular tv show or program host,"

"We will continue with our way of communicating direct to the people in so many equally significant shows, platforms and forums where all the attendees are allowed to present their visions, plans and platforms freely, unfiltered and unhindered by any biases," dagdag pa niya.

As of this writing, wala pang pahayag si Jessica Soho, isang multi-awarded broadcast journalist, maging ang kanyang network tungkol sa paratang ng Kampo ni Marcos na siya ay "bias" laban sa mga Marcos.

Nitong Biyernes ng gabi, Enero 21, naging usap-usapan sa social media ang hindi pagdalo ni dating senador at ngayo'y presidential aspirant na si Bongbong Marcos sa presidential interview ng GMA Network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/21/marcosduwag-trending-sa-twitter-matapos-di-paunlakan-ni-bbm-ang-isang-presidential-interview/

As of this writing, trending pa rin hanggang ngayon sa Twitter ang #MarcosDuwag maging ang "Toni Talks" na kung saan binabalikan ng mga netizens ang naging panayam nito noong Setyembre 13, 2021 sa YouTube Channel ni Toni Gonzaga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/21/ungkatan-ng-past-panayam-ni-bbm-sa-toni-talks-binabalikan-ng-netizens/