Usap-usapan ngayon sa social media ang 'sermon' ng singer-comedian na si Kakai Bautista sa kaniyang Facebook account para sa kabataang 'pa-adult' umano sa social media, o yung maraming 'nakukuda' pero hindi naman daw marunong maglaba umano ng sariling underwear.
Aniya, "Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n'yo."
"Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba niyan. NO TO SALA-ULA."
Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Kakai na siya ang naglalaba ng sarili niyang mga panty.
"FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw. Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kasi talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene 'yun eh," sey niya.
"Taas-kamay ng mga adult na pero sila pa rin naglalaba ng underwear nila!!!!"
Sa isa pang Facebook post, nagpasalamat siya sa mga naka-appreciate sa kaniyang real talk.
"Sarap tumawa guysh."
"Usapang panty tayo today."
"Sana ok lang kayong lahat diyan lalo na mga masusugid kong followers. At yung mga dumadaan at tumatambay dito na nang-uurat lang, alis na lang kayo. Wag n'yo nang i-stress ang mga sarili n'yo sa MUKHA ko at UGALI. Problemahin n'yo na lang sarili ninyo. Juskow."
"Maraming salamat sa suporta sa mga REAL TALK ko. Sana may napupulot kayo. Labyuh beybies!!!!"
At nitong Enero 22 ay may latest Facebook post naman siya.
"Di ba nga. Minsan patikim mo rin, kahit isang beses lang. Tapos, ayun na 'yun. PUT those paking people in their rightful PLACE. Give a dose of their own MEDICINE. Let them Stay BEHIND you."